Tagalong Federal Government Shutdown: FAQs
Pag-shutdown ng Pederal na Pamahalaan: Mga Madalas Itanong
Mangyaring tandaan: Nakabatay ang mga madalas itanong (frequently asked questions) FAQ na ito sa impormasyon mula sa mga nakaraang pag-shutdown at kasalukuyang available na impormasyon mula sa mga ahensya. Hindi ganap na nilinaw ng administrasyong Trump ang mga plano nito sa pag-shutdown at kahit si Trump mismo ay gumawa ng mga pagbabanta na manipulahin ang pag-shutdown para sa pampolitikang benepisyo, lubos na baguhin ang mga pagpapatakbo ng ahensya, at gumamit ng mga lingkod-sibil bilang tauhan sa pamamagitan ng malawakang pagpapatalsik sa kanila gaya ng ginagawa niya buong taon.
Nag-expire nang hatinggabi noong Oktubre 1 ang pagpopondo para sa pederal na pamahalaan. Nagsisikap ako para muling buksan ang mga kritikal na serbisyo para sa mga pamilya sa ating komunidad habang pinapababa ang mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan. Sa kasamaang-palad, patuloy na isinusulong ng mga Republican ang partidistang batas sa paggasta na nagtatanggal sa pangangalagang pangkalusugan mula sa mga nagtatrabahong pamilya.
Para tulungan kang magplano para sa posibleng pag-shutdown ng pederal na pamahalaan, naghanda ang aking tanggapan ng mga sagot sa mga madalas itanong na ito.
Patuloy ko bang matatanggap ang aking mga tseke sa Social Security at SSI?
Patuloy na matatanggap ng mga tumatanggap ang kanilang mga tseke sa Social Security at SSI. Patuloy na magbibigay ang Pangasiwaan ng Social Security (Social Security Administration, SSA) ng mga limitadong serbisyo tulad ng pag-isyu ng mga card sa Social Security at pagpapatuloy ng mga appointment para sa mga aplikasyon para sa benepisyo. Gayunpaman, ihihinto ng SSA ang ilang aktibidad tulad ng mga beripikasyon ng benepisyo at pagpoproseso ng mga labis na pagbabayad at malamang ay makakaranas ang publiko ng mas matatagal na oras ng paghihintay para sa serbisyo sa customer.
Maaapektuhan ba ang mga benepisyo sa Medicare at Medicaid?
Hindi malawakang maaapektuhan ng pag-shutdown ang Medicare, Medicaid, at insurance sa kapansanan na magtatagal ng wala pang tatlong buwan. Patuloy na matatanggap ng mga kasalukuyang benepisyaryo ang kanilang mga benepisyo.
Ano ang epekto sa mga serbisyo sa mga beterano?
Mananatiling ganap na tumatakbo ang lahat ng medikal na pasilidad at klinika para sa lahat ng Usaping Pangbeterano (Veterans Affairs, VA). Patuloy na ipoproseso ng VA ang mga benepisyo ng mga beterano.
Masususpinde ba ang mga benepisyo para sa nagretiro sa militar at pederal na pamahalaan?
Patuloy na matatanggap ng mga nagretiro sa militar at pederal na pamahalaan ang kanilang mga benepisyo sa pagreretiro. Maaantala ang pagpoproseso ng mga bagong aplikasyon o iba pang hinihiling na pagbabago.
Sino-sinong mga pederal na empleyado ang patuloy na magtatrabaho sa panahon ng pag-shutdown ng pamahalaan?
Kapag nag-shut down ang pamahalaan, inaatasan ang mga pederal na ahensya na uriin ang kanilang mga empleyadong nag-lapse ang sahod bilang "may eksemsyon" o "walang eksemsyon." Magtatrabaho ang mga empleyadong inuri bilang "may eksemsyon" nang walang sahod sa panahon ng pag-shut down. Ilalagay sa walang bayad na pagsuspinde ang mga empleyadong inuri bilang "walang eksemsyon." Sa ilalim ng Batas sa Patas na Pagtrato sa Empleyado ng Pamahalaan ng 2019, retroaktibong babayaran ang lahat ng pederal na empleyado sa panahon ng pag-shut down sa pagwawakas nito. Nagbanta si Donald Trump ng hindi kinakailangang pagpapasibak sa libo-libong pederal na manggagawa sa panahon ng pag-shut down, gaya ng sinusubukan niyang gawin sa buong taon.
Ano ang epekto nito sa tauhan ng militar at pederal na tagapagpatupad ng batas ng U.S.?
Inaasahan at samakatuwid ay kinakailangang magtrabaho ng lahat ng Guard na nasa aktibong tungkulin at Reservist na may kautusan sa aktibong tungkulin. Puwedeng huminto ang on-base at hindi agarang pangangalagang pangkalusugan, pero hindi maaapektuhan ang off-base na pangangalagang ibinibigay sa pamamagitan ng Tricare. Bukas depende sa sitwasyon ang on-base na pangangalaga sa bata. Inatasan ding magtrabaho ang pederal na tagapagpatupad ng batas. Hindi babayaran hanggang sa matapos ang pag-shutdown ang parehong tauhan ng militar at pederal na tagapagpatupad ng batas.
Darating pa rin ba ang mail ko?
Oo. Hindi maaapektuhan ng pag-shutdown ang Serbisyo sa Koreo ng U.S.
Maaapektuhan ba ang komersyal na pagbiyahe sa himpapawid?
Mananatili sa trabaho ang mga tagakontrol ng trapiko sa himpapawid, opisyal ng Pangasiwaan ng Seguridad sa Transportasyon (Transportation Security Administration, TSA) at ahente ng Customs at Proteksyon sa Hangganan (Customs and Border Protection, CBP). Gayunpaman, tulad ng lahat ng pederal na empleyado, hindi sila babayaran hanggang sa matapos ang pag-shutdown.
Ano ang epekto sa maliliit na negosyo?
Hihinto ang Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo (Small Business Administration, SBA) sa pagproseso ng mga bagong pautang para sa negosyo, tulad ng sa pamamagitan ng mga programang 7(a) at 504. Gayunpaman, ipagpapatuloy ng Programa ng Pautang sa Sakuna ng SBA ang mga regular na pagpapatakbo.
Ano ang epekto sa mga pederal na pautang para sa pabahay?
Hihinto ang Pederal na Pangasiwaan sa Pabahay (Federal Housing Administration, FHA) sa pagbibigay ng insurance sa ilang bagong mortgage at hihinto ang Departamento ng Pabahay at Urban na Pagpapaunlad (Department of Housing and Urban Development, HUD) sa pagproseso ng ilang bagong pautang. Ihihinto rin ng Departamento ng Agrikultura (Department of Agriculture, USDA) ang aktibidad sa bagong pautang at paggarantiya ng pautang. Patuloy na igagarantiya ng VA ang mga pautang para sa bahay.
Ano ang epekto sa mga pagsisikap para sa kaginhawaan sa sakuna?
Tutugon pa rin sa mga emergency ang tauhan ng FEMA. Sa mga naunang pag-shutdown, naantala ang mga pangmatagalang proyekto dahil sa kakulangan sa pagpopondo sa Pondo para sa Kaginhawaan sa Sakuna.
Ano ang epekto sa mga aktibidad sa kaligtasan ng pagkain?
Maaantala ang ilang aktibidad sa kaligtasan ng pagkain ng Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot (Food and Drug Administration, FDA) — tulad ng mga regular na pag-inspeksyon ng mga pasilidad.